Pastor Quiboloy, sinampahan ng reklamo ng isang rapper

Naghain ng reklamo sa Pasig City Hall of Justice ang Rapper na si Omar Manzano na kilala rin sa pangalang Omar Baliw laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Kaugnay ito ng aniya’y hindi awtorisadong paggamit ni Quiboloy ng kanyang track na “K&B” sa senatorial campaign kick-off rally jingle nito.

Reklamong copyright infringement ang isinampa ng hip-hop artist laban kay Quiboloy.


Wala pang pahayag tungkol dito ang abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon.

Facebook Comments