PASTORAL CARE | Simbahang Katoliko, magpapadala ng isa pang pari sa Kuwait para sumaklolo sa OFWs

Manila, Philippines – Magpapadala ang Simbahang Katoliko ng pari sa Kuwait para tulungan at bigyan ng pastoral care ang mga Pilipino roon.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People, aalamin din ni Father Restituto Ogsimer ang pangangailangan ng Filipino chaplaincy sa Kuwait.

Mananatili aniya sa Kuwait si Ogsimer sa buong buwan ng Mayo.


Sa kasalukuyan ay mayroon nang tatlong Pilipinong pari sa Kuwait at ito ay sina Fr. Ruben Barrameda, Fr. Ramon Atanacio at Fr. Alfredo Nicua.

Sa ngayon, mahigit 250 Pilipinong expatriate sa Kuwait na karamihan at nagtatrabaho bilang domestic workers.

Nananalangin si Bishop Santos na sana ay maayos na sa lalong madaling panahon ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos na lumala sa kontrobersyal na pag-rescue ng Philippine Embassy officials sa mga hinihinalang inaabusong Pilipino sa Kuwait.

Facebook Comments