Pasuquin, Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

Niyanig ng 5.8 magnitude na lindol ang Pasuquin, Ilocos Norte kaninang alas-10:38 ng umaga.

May lalim ito na 27 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Naramdaman ang instrumental Intensity IV sa Claveria, Cagayan; San Nicolas, Solsona, Ilocos Norte, at Sinait, Vigan City, Ilocos Sur.

Naramdaman naman ang instrumental intensity III sa Gonzaga, Cagayan habang instrumental intensity II sa Bangued, Abra; Penablanca, Cagayan, at Narvacan, Ilocos Sur.

Instrumental intensity I naman sa Candon, Ilocos Sur at Ilagan, Isabela.

Bagama’t 5.8 magnitude ang lindol, wala naman itong inaasahang pinsala pero asahan ang mga aftershock nito.

Facebook Comments