Pasweldo at pagbibigay ng benepisyo sa mga empleyado, dapat ipaubaya na ng gobyerno sa mga kumpanya

Manila, Philippines – Posibleng umaray sa mandatory 14th month pay ang maliliit na negosyo.

Ito ang pahayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) matapos na ihaing muli ni Senate President Tito Sotto III ang Senate Bill no. 10 na nag-oobliga sa mga pribadong kompanya na bigyan ng 14th month pay ang kanilang mga empleyado regular man o hindi.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis – importanteng malaman ang sasakuping sektor ng panukala at kung may ibibigay na exemption.


Gayunman, maaaring magbawas ng tao ang mga kompanya lalo na ang mga micro enterprises kapag naisabatas ito.

Giit naman ni Dr. Jess Aranza, chairperson ng Federation of Philippine Industries – dapat ipaubaya na ng gobyerno sa mga kumpanya ang pagbibigay ng benepisyo sa kanilang mga empleyado dahil sila ang mas nakakaalam kung magkano ang kanilang kinikita.

Para kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay – napapanahon na para ibigay ang mga ganitong benepisyo ang mga manggagawa.

Sabi ni Sotto, malaki ang maitutulong nito sa pagbabayad ng matrikula ng mga estudyante.

Handa naman nilang pakinggan ang sentimiyento ng mga negosyante hinggil dito.

Sa huli, mga negosyo rin ang makikinabang kapag naging mas produktibo ang kanilang empleyado.

Facebook Comments