Iginiit ni Senator Francis Tolentino na nararapat tanggapin at sundin ang pasya ng Korte Suprema ukol sa Anti-Terrorism Act.
Diin ni Tolentino, maliwanag sa Konstitusyon na ang Korte Suprema ang may kapangyarihan na magbaba ng pinal na desisyon sa mga usaping legal.
Giit naman ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, hindi humina ang Anti-Terrorism Law kahit sinabi ng Korte Suprema na labag sa konstitusyon ang dalawang probisyon nito..
Paliwanag ni Dela Rosa, napakalawak ng Anti-Terrorism Law at minor o maliliit na probisyon lamang ang ipinabasura ng Korte Suprema.
Ayon kay Dela Rosa, wala itong epekto sa intensyon ng batas na supilin ang terorismo.
Facebook Comments