Suportado ng ilang kongresista ang paninindigan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na huwag maglagay ng water cannons sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay PBA Party-list Representative Margarita Nograles, hindi kailangang patulan ng Pilipinas ang pagiging agresibo ng China habang ipinagtatanggol natin ang karapatan sa ating teritoryo sa legal na paraan.
Pinaalala naman ni 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez na panalo na tayo sa international state kaya malinaw na ang inaangkin ng China ay bahagi ng ating teritoryo.
Para naman kay Bukidnon 2nd District Representative Jonathan Keith Flores, mainam ang ginagawang pakikipag-alyasa ni Pangulong Marcos sa iba pang mga bansa tulad ng isinagawang trilateral meeting sa Estados Unidos at Japan.
Tama rin para sa nabanggit na mga kongresista ang pagsasagawa ng joint military exercises katuwang ang tropa ng Amerika at ang pagdagdag ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites, gayundin ang pagtutok sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization.