Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ligtas pa ring mamasyal sa mga tourist attraction na malapit sa Bulkang Taal kahit ito ay nasa alert level 2.
Sa interview ng DZXL 558, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na bagama’t nananatili ang pagiging aktibo ng bulkan, hindi naman nila nakikita ang pag-akyat ng magma nito.
Aniya, makakatulong bilang proteksyon sa sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan ang pagsusuot ng N95 mask.
Siniguro naman ni Solidum na may sapat silang kagamitan at personnel na nagmomonitor sa lagay ng Bulkang Taal.
Nagpaalala naman si Solidum na maaaring bisitahin sa Hazard Hunter application na makakatulong para maging handa sa anumang kalamidad sa bansa gaya ng lindol, tsunami, landslide at lagay ng mga bulkan.