Pasyalan para sa mga mahilig maglakad ng hubo’t hubad, binuksan na sa Paris

Paris – Dinadagsa ngayon ang isang kakaibang pasyalan sa Paris ng mga taong gustong maglakad nang walang saplot.

Ang Bois De Vincennes Park ay binuksan para sa mga ‘Nudist’ o yung mga taong gustong maghubad para mas mapalapit sa nature o kapaligiran.

Ang pagbubukas ng nasabing lugar ay isang eksperimento lamang kung kaya’t temporaryo itong binuksan noong Agosto 31 hanggang Oktubre 15 sa taong ito.


Tiniyak naman ng mga opisyal ng parke ang seguridad ng mga bumibisita dito laban sa mga mamboboso.

Hango umano ang nasabing lugar sa Germany, Switzerland at Spain na tanggap na ang “Nudism” sa pampublikong lugar.

Facebook Comments