Pasyente ng isang ospital sa Lungsod ng Pagadian inimbitahan sa Presinto dahil sa sugat sa kanyang katawan

213

Pagadian City, Zamboanga del Sur—Inimbitahan sa presinto sa Lungsod ng Pagadian ang isang lalaki na pasyente ng isang pribadong ospital makaraang nadiskubre na may sugat sa kanyang katawan.
Iginiit ni Barlon Dumrang, 54 anyos na isa lamang itong magsasaka sa Bayan ng Nunungan, Lanao del Norte at binaril lang ng kanyang kapitbahay ang sugat sa kanyang katawan at hindi sugat dahil sa bakbakan sa Lungsod ng Marawi.
Sa kabila nito, isinailalim siya sa interogasyon dahil kwestyunable ang sugat nito. Lumabas sa imbestigasyon na binaril ang biktima ng kanyang kapitbahay habang naliligo sa ilog gamit ang M16 riffle at away sa pamilya ang motibo sa pamamaril. Nagpresenta din ito ng ID kaya kaagad naman pinauwi ng pulisya.

Facebook Comments