Pasyenteng nagviral sa social media, Humingi ng paumanhin sa Ospital!

*Cauayan City, Isabela – *Humingi na ng paumanhin ang isang naging pasyente ng Cauayan City District Hospital (CCDH) na nagviral sa social media.

Ito ang inihayag ni Dr. Herrison Alejandro, Chief ng CCDH sa ginawang panayam ng RMN Cauayan sa kanya sa programang Straight to the Point kaninang umaga.

Ayon kay Dr. Alejandro, naalarma ang tanggapan dahil wala naman umanong pagkukulang ang mga empleyado sa kanilang mga nagiging pasyente.


Maaari lamang anya na nagkaroon ng miscommunication sa dalawang partido kaya’t nauwi sa pagpopost ng pasyente sa social media hinggil sa umano’y pagpapabaya ng mga nakatalagang nurse noong ito ay nagle-labor.

Kaugnay nito ay nakiusap at humingi na ng tawad ang pasyenteng nagpost sa social media at gumawa pa ng sulat at ibinigay ng personal sa tanggapan mismo ng naturang Ospital.

Pinulong naman ni Dr. Alejandro ang lahat ng empleyado upang paalalahanan ang mga ito kung ano ang kanilang nararapat na gawin kung magkaroon ng aberya sa mga kliyente.

Nanawagan rin ang Doctor sa mga pasyente na iparating lamang sa kanilang tanggapan kung may mga hinaing o problema sa serbisyo ng ospital upang matugunan at maidaan sa tamang proseso.

Samantala, sinisikap na umano ng gobyerno na magkaroon ng sapat na tauhan ang mga District Hospital upang makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga pasyente.

Facebook Comments