Pasyenteng tinanggihan ng hospital sa Cebu, umapila sa DOH

Umapila ang ilang mga residente sa Cebu City sa tanggapan ng Department of Health (DOH) na paimbestigahan ang Miller hospital ng Cebu City dahil wala raw perang pambayad ang isang mahirap na pasyente na kaysa tulungan na masuri ang kanyang karamdaman.

Ayon kay Jasmin Nainggue, dismayado siya sa naturang hospital kung bakit hindi tinanggap ng kanyang pamangkin na si Sherlymaine na mayroong mga sintomas ng COVID-19.

Nalulungkot si Nainggue na unahin pa umano ang bayad kaysa i-rescue o sagapin ang buhay ng kanyang pamangkin na hirap n hirap na ang kanyang ang pamangkin sa karamdaman nito at ayaw pa nilang eksaminin o suriin para malaman kung mayroong sintomas na COVID-19.


Giit nito, kailan pa kaya nila gagawin ang pag-e-eksamin sa kanyang pamangkin kapag pagpatay na ito, dahil nangangamba siya na baka sa bandang huli ay hindi na umano nito kakayanin ang hirap ng paghinga.

Umaasa si Nainggue na agad amtutulungan sila ng DOH at paiimbestihan kaagad ang naturang insidente at aalamin kung anong tunay na dahilan kung bakit tinanggihan ng naturang hospital ang may sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments