PATAASAN ANG SINGIL SA PAMASAHE; PANAWAGAN NG ILANG SAMAHAN NG JEEPNEY DRIVERS AT OPERATORS DAHIL SA LINGGUHANG TAAS PRESYO NG LANGIS

Panawagan ngayon ng ilang mga samahan ng mga jeepney drivers at operators gaya na lamang sa Dagupan City pag-increase sana ng pamasahe na kanilang sisingilin dahil sa lingguhang taas presyo ng langis na kanilang nararanasan ngayon.
Kung tuluyan ng tumaas ng apat na piso ang presyo ng diesel nito lamang ay dapat naman na daw sigurong itaas na rin ang presyo ng pamasahe dahil sa malaking epektong naidudulot nito sa mga jeepney drivers at operators lalo sa kanilang kinikita.
Ayon sa grupong Auto-Pro Pangasinan, nakatakda silang magsumite ng petisyon sa LTFRB para sa panawagang pagpapataas ng pamasahe dahil nahihirapan ng makabawi sa kita ang mga jeepney drivers dahil sa sunod sunod na pagtaas ng presyo ng gasoline at sabayan pa ng nararanasang traffic.

Ang LTFRB Region 1 naman ay magsasagawa ng masusing pagsusuri at pag-aaral ukol sa petisyong sa kanila ukol sa pagpapataas ng pamasahe at maging ang pagsasagawa ng public consultation. |ifmnews
Facebook Comments