Tinanggap ng ilang kooperatiba ng magsasaka sa Mangatarem ang libo-libong kahon at bote ng iba’t-ibang klase ng pata sa ilalim ng National Rice Program ng Department of Agriculture (DA).
Sa naturang aktibidad, ipinamahagi sa mga Hybrid at Inbred Clustered Farmer Associations and Cooperatives sa bayan ang inorganic liquid fertilizer at bio-fertilizer, na pawang nakatutulong sa mabilis na pagbibigay nutrisyon sa mga pananim at pagpapabuti ng kapasidad ng sakahan.
Ayon sa ulat, naipamahagi sa mga magsasaka ang kabuuang 16,770 packs ng Bio-N, 2,286 boxes ng Humus, 8,015 packs ng Folimac 14 at 16,000 bottles ng Humi N.
Layunin ng pamamahaging ito na mapabuti ang nutrisyon ng lupa at halaman, na magreresulta sa mas mataas at mas magandang ani para sa mga lokal na magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










