PATAFA International Event, Pinaghahandaan Na ng Isabela!

Ilagan City, Isabela – Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ang City of Ilagan para sa nalalapit na Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA event na magaganap sa katapusan ng buwan ng Mayo hanggang ika-apat ng Hunyo.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni General Services Officer ng LGU Ilagan Ricky Laggui sa RMN Cauayan na dito gaganapin ang isa sa pinakamalaking aktibidad sa bansa gaya ng Ayala Philippines Athlethic Championship na lalahukan ng labing limang bansa para sa naturang kumpetisyon.

Dahil umano sa naging maganda at matagumpay ang hosting ng City of Ilagan noong nakaraang taon ay hiniling muli na pangunahan ng naturang lungsod ang PATAFA o ang National Open ngayong taon.


Dahil dito ay Nagiging Sports Tourism Hub na ang City of Ilagan sa buong lambak ng Cagayan at taon-taon na itong magkakaroon ng malalaking aktibidad.

Tampok din ang bagong laro sa PATAFA ang Master’s Championship para sa mga kalahok na may edad trenta pataas.

Hinihikayat na ni GS Officer Laggui ang lahat na makiisa, dumalo at manood para sa kanilang ihahandang malalaking aktibidad.

Facebook Comments