Patakaran ng DOF at BOC sa pagpapataw ng buwis sa balikbayan box ng OFWs, pinaparepaso ni Senator Angara

Manila, Philippines – Pinaparebisa ni Senator Sonny Angara sa Department of Finance at Bureau of Customs ang Implementing Rules and Regulations ukol sa pagpapataw ng buwis sa mga balikbayan boxes.

Ayon kay angara, mali kasi ang patakaran na ipinapatupad ng dof at boc at apektado dito ang milyun milyong mga overseas filipino workers o ofws na syang madalas magpadala ng balikabayan box para sa kanilang mga kaanak dito sa pilipinas.

Giit ni angara, nakapaloob sa Customs Modernization Tariff Act o CMTA na hanggang tatlong balikbayan boxes na may laman na nagkakahalaga ng tig P150,000 ang duty-and- tax-free.


Ibig sabihin, ayon kay angara, maaring umabot sa 450,000 pesos ang kabuguang halaga ng tatlong balikbayan box na maaring ipadala ng OFW sa loob ng isang taon na libre sa buwis at anumang bayarin sa customs.

Ayon kay angara, taliwas dito ang ginawa ng DOF at Bureau of Customs (BOC) kung saan dinivide nila o hinati sa tatlo ang 150,000 pesos na halaga ng balikabayan na maaring ipadala ng isang OFWs sa isang taon na tax free.

Bunsod nito, ay agarang pinaparebisa ni Angara sa BOC at DOF ang maling patakaran lalo na at sasapit na ang Ber months o Christmas season kung saan maraming mga OFWs ang tiyak magpapadala ng balikbayan box laman ang kanilan mga regalo sa kanilang kaanak dito sa bansa.

Facebook Comments