Manila, Philippines – Inaayos na ng Dept. of Trade and Industry ang bagong patakaran dahil hindi na kailangang ipaalam sa kanila ang pagtatakda ng suggested retail price ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Lilian Salonga, Director ng DTI-CPAB kailangan lamang mag-abiso ng mga manufacturer o negosyante sa kanila ng 30 araw bago sila magpalit ng presyo.
Pero sabi naman ni Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer Inc. – dapat ay may papel pa rin ang dti sa pagtiyak na tama ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Dagdag pa nito, kaya nga mayroong SRP na itatakda dapat ng gobyerno para matiyak na hindi talo ang mga consumer.
Paliwanag naman ni DTI Usec. Ted Pascua, pwede pa rin naman nilang puwersahin ang manufacturer na ideklara ang basehan ng dagdag presyo.
Maliban dito aniya, palalakasin din nila ang paglalansag ng mga madadayang negosyante kung saan tatawagin nila itong “project e-t” o execution team.
Ito ang tututok sa mga nagsasamantala sa presyo, labelling, timbang at kalidad ng isang produkto.