Patakaran ng PNP at PDEA ukol sa pagtrato sa mga nahuhuling suspek, pinapabusisi sa Mababang Kapulungan

Pinabubusisi ng Makabayan Bloc sa Kamara ang operational standards at actual practices ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba pang law enforcement agencies sa pagtrato at pag-handle sa mga suspek, mga naaresto at bilanggo

Ang hirit na pagdinig ay nakapaloob sa House Resolution 488 na inihain ng Makabayan Bloc sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.

Ang naturang hakbang ay sa harap ng nakikita nilang special na pagtrato sa anak ni Justice Secretary Boying Remulla na inaresto at ikinulong dahil sa iligal na droga.


Diin ng Makabayan Bloc, may mga indikasyon na special ang pagtrato ng mga awtoridad sa anak ni Remulla kumpara sa mga naarestong pangkaraniwang mamamayan.

Ayon kay Representative Castro, dapat umiral ang pagrespeto sa karapatang pantao hindi lang sa anak ni Remulla kundi sa iba pang suspek na natitiklo na kadalasan ay ibinabandera agad ang mukha at pagkakakilanlan sa media at publiko habang ang ilan ay napapatay pa.

Facebook Comments