Patakaran para sa motorcycle taxi, dapat malinaw at umaayon sa mahigpit na health at safety protocols

Pabor si Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa pagbabalik-operasyon ng motorcycle taxis para maibsan ang hirap sa pagbiyahe ng publiko ngayong may pandemya dahil sa kakulangan ng pampublikong trasnportasyon.

Pero mahigpit na paalala ni Poe, dapat maging malinaw ang patakaran para sa pagpasada ng motorcycle taxis at dapat ay mahigpit itong umaayon sa health at safety protocols laban sa COVID-19.

Ayon kay Poe, ito ay para matiyak ang proteksyon ng rider at kanilang angkas laban sa virus gayundin ang kanilang kaligtasan.


Pangunahing tinukoy ni Poe na mahalagang masunod ng motorcycle riders ang regular disinfection, pagsusuot ng face mask at paggamit ng sariling helmet.

Dagdag pa ni Poe, ang pagpapatuloy ng pilot run para sa motorcyle taxi ay isang mainam na oportunidad para matukoy ang mga pangangailangan nito.

Binanggit ni Poe na daan din ito para matulungan ang Kongreso sa pagbalangkas ng panukala na magsasa-legal sa operasyon ng motorcycle taxi.

Facebook Comments