Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mahigpit nilang ipatutupad na ang motorcycle lane sa EDSA.
Ayon kay MMDA Assistance General Manager Joel Garcia, hindi na maaaring gumamit ng iba’t ibang lane ang mga motorsiklo maliban na lamang kung ito kailangan ng lumiko sa EDSA.
Paliwanag ni Garcia, maari lamang mag-overtake sa kaliwa ang motorsiklo ngunit hindi pwedeng mag-overtake sa kanan dahil napakadelikado madisgrasya ang motorcycle riders.
Gayunman sinabi ni Garcia, kung kailangan ng lumabas sa motorcycle lane ay pinapayagan naman itong kumanan ngunit kailangan magbigay signal 100 metro ang layo sa kanyang lalabasang linya upang maiwasan na magkaroon ng disgrasya.
Paalala ni Garcia ipatutupad na sa darating na Miyerkules, November 22 ang motorcycle lane sa EDSA.
Giit ni Garcia, mayroon silang sistema kung saan mag-dedeploy sila ng MMDA Enforcers na mayroon hawak na two way radio at no contact apprehension kung saan tutubusin lang sa MMDA ang lisensya ng mga lumabag sa patakaran at bawal din maniket ang mga MMDA Enforcers para maiwasan ang kurapsyon sa ahensiya.