Patakaran sa pagbibigay ng permit sa dayuhang nais magtrabaho sa bansa, hinigpitan

Hinigpitan pa ng pamahalaan ang mga patakaran sa pagbibigay ng permit sa mga dayuhang gustong magtrabaho sa bansa.

Ito ay sa gitna na rin ng mga ulat na libu-libong foreign workers ang nagtatrabaho sa gaming at construction industry sa bansa.

Nilagdaan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI) at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang joint guidelines para sa paglalabas ng work at employment permits sa foreign nationals.


Layunin ng panuntunan na linawin at paganahin ang lahat ng umiiral regulasyon sa pag-iisyu ng kaukulang permit sa lahat ng foreign nationals na nais magtrabaho sa bansa.

Ang mga bagong requirement ay sakop ang mga nag-a-apply para sa Alien Employment Permit (AEP), Special Working Permits (SWP) at Provisional Working Permits (PWP), pero hindi ang mga kumukuha ng Special Temporary Permit (STP).

Facebook Comments