Patakaran sa pagtuturok ng booster shots sa mga senior citizen at may comorbidity, inaayos pa ng pamahalaan

Inaayos pa ang mga patakaran para sa pagtuturok ng booster shots sa mga senior citizen at may comorbidity o karamdaman.

Kasunod ito ng pag-arangkada nitong miyerkules ng pagtuturok ng booster shots sa mga healthcare workers kung saan kabilang sa mga bakunang ibibigay ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sisikapin nilang abutin lamang ng dalawang linggo ang pagtuturok ng booster shots sa mga medical frontliner.

Dahil dito, posible aniyang sa susunod na linggo simulan o isabay na sa National Vaccination Day ang pagbabakuna ng booster shots sa mga matatanda at may sakit.

Facebook Comments