Patakaran ukol sa paglalabas ng SALN, pag-aaralan ng Kamara

Suportado ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang pasya ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na alisin ang restrictions sa pagsasapubliko ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga taga-gobyerno.

Bunsod nito ay sinabi ni Dy na nakatakdang i-review ng House of Representatives ang patakaran kaugnay sa paglalabas ng SALN.

Ayon kay Dy, bukas dito ang mga miyembro ng Kamara at kanilang tatalakayin ang pormal na proseso hinggil dito habang nasa Congressional break, para makapaglabas sila ng malinaw, transparent, at consistent na mga patakaran.

Sabi ni Dy, mainam na maibalik ang dating nakagawian na bukas sa publiko ang SALN ng mga mambabatas.

Handa rin si Dy na manguna o maging halimbawa sa paglalantad ng kaniyang SALN kung kailangan.

Facebook Comments