Patakaran ukol sa substitution ng kandidato, dapat alisin na

Para kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, dapat alisin na ang batas o patakaran na nagbibigay pagkakataon para sa substitution o pagpapalit sa mga kandidato na nakapaghain na ng Certificate of Candidacy (COC).

Sa tingin kasi ni Pangilinan ay naaabuso at napaglalaruan na ang ganitong patakaran.

Magugunitang noong 2016 elections, ay nag-substitute si Pangulong Rodrigo Duterte kay Martin Diño na siyang naunang nag-file ng candidacy for president sa ilalim ng PDP-Laban.


Sa huling araw naman filing ng COC nitong nagdaang Biyernes ay marami ang nagulat makaraang mag-file ng COC si Senator Ronald “Bato” dela Rosa bilang standard bearer ng PDP-Laban Cusi wing.

Nagkaroon ng mga espekulasyon na posibleng mag-substitute si Mayor Inday Sara Duterte kay Senator Dela Rosa.

Sa ngayon ay mayroon pa hanggang November 15 para sa substitution o sa pagpapalit sa mga kandidatong nakapaghain na ng COC kaya posibleng mabago pa ang mga sasabak sa 2022 elections.

Facebook Comments