
Nagpasalamat si Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon sa pagtatakda ng Land Transportation Office (LTO) ng partikular at pangunahing mga kalsada sa Metro Manila kung saan bawal ang e-trikes at e-bikes.
Para kay Ridon, ang hakbang ng LTO ay mainam na tugon sa panawagan ng mga gumagamit ng e-trikes at e-bike sa buong bansa na gawing mapang-unawa at makamamayan ang patakaran sa light electric vehicles (LEVs) na ginagamit talaga ng ating mga kababayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Ridon ang pagkikipagtulungan sa LTO at sa liderato ng Department of Transportation (DOTr) para sa bagong patakaran sa pagrerehistro ng mga LEVs na mas mabigat sa 50 kgs, at paglilisensiya sa mga nagmamaneho ng mga LEVs na mas mabigat sa 50 kgs.
Suportado din ni Ridon ang pagpapatupad ng road safety education para sa lahat ng mga bibili ng light electric vehicles.









