Patas at malinis na eleksyon sa BARMM sa 2025, tiniyak ni PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang patas na eleksiyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa susunod na taon, alinsunod sa Bangsamoro Autonomy Act Nos. 41 at 48.

Ito ang mensahe ng pangulo sa ika-10 anibersayo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Pangulong Marcos, matibay ang kanyang commitment para sa BARMM dahil aktibo siyang nakilahok sa pagbalangkas ng Bangsamoro Basic Law noong bahagi pa lamang siya ng lehislatura.


Naging progresibo na aniya ang BARMM sa ilalim ng kaniyang administrasyon pero marami pa ang dapat na maisakatuparan.

At sa darating aniya na halalan sa rehiyon ay dapat makapili ang mga residente ng kanilang iluluklok sa local at national level, dahil nasa kanila ang kapangyarihan para maging maunlad ang kinabukasan ng rehiyon.

Facebook Comments