PATAS LANG | Paglimita sa foreign trips, dapat gawin din sa Legislative at Judiciary Branch

Manila, Philipines – Hiniling ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano na huwag limitahan sa Executive department ang polisiya ni Pangulong Duterte na nagbabawal sa mga taga Ehekutibo an madalas na pagbyahe sa abroad.

Sinabi ni Alejano na suportado niya ang polisiyang ito ng Pangulo pero inirekomenda na ipatupad din ang striktong polisiya sa madalas na foreign junkets o trips sa mga opisyal mula sa Legislative at Judiciary branch.

Aniya, maaari pa namang payagan ang pagbyahe sa labas ng bansa pero ito ay dapat official travel, hindi makakasagabal sa trabaho sa gobyerno at hindi gagamit ng pera ng taumbayan.


Naniniwala naman ang ilang mga mambabatas tulad nila Isabela Rep. Rodito Albano at Parañaque Rep. Gus Tambunting na isinusulong lamang ni Pangulong Duterte ang good governance sa pamamagitan ng pagiging halimbawa sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan.

Nauna dito, ilang opisyal na ang sinibak din sa pwesto bunsod ng madalas na foreign trips tulad nila dating Dangerous Drugs Board chief Dionisio Santiago at dating Presidential Commission for the Urban Poor chief Terry Ridon.

Facebook Comments