Manila, Philippines – Tiwala ang Malacañang na magkakaroon ng patas ang mabilis ang paglilitis kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Lead Convenor Liza Maza at tatlo pang dating mambabatas na nahaharap sa kasong murder.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit cabinet member si Maza ay ipinauubaya na nila sa korte ang magiging desisyon sa kanyang kaso.
Dumistansya rin si Roque sa inilabas na isang milyong pisong pabuya ng grupong Citizens’ Crime Watch (CCW) para sa pagkakahuli ng apat na militanteng lider.
Una nang nanawagan ang palasyo sa apat na sumuko na lamang at harapin ang kaso sa korte.
Facebook Comments