Patas na access sa bakuna, isang shared responsibility – ayon kay Pangulong Duterte

Nanawagan muli si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng patas na global access sa COVID-19 vaccines.

Paalala ni Pangulong Duterte sa international community na ang pagsisigurong magkaroon ng patas at mabisang bakuna ay isang “shared responsibility.”

Wala aniyang bansa ang makakaahon kung hindi mapupuksa ang virus.


Inihayag din ni Pangulong Duterte ang suporta ng Pilipinas sa pagpapaigting ng produksyon ng diagnostics, therapeutics at mga bakuna.

Binanggit ng Pangulo na isa ang Pilipinas sa mga bansang hindi nagpatupad ng export controls sa kasagsagan ng pandemya.

Umapela rin ang Punong Ehekutibo na magkaroon ng komprehensibong pagtugon sa pandemya.

Sa huli, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Japan ang iba pang partners sa COVAX Facility sa pamamahagi ng bakuna sa maraming developing countries tulad ng Pilipinas.

Facebook Comments