Patas na imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng tatlong mangingisda, iginiit ng isang senador

Umapela si Senator Jinggoy Estrada sa mga awtoridad na magsagawa ng patas na imbestigasyon hinggil sa insidente ng pagkasawi ng tatlong mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Estrada, kailangang maging komprehensibo at patas ang imbestigasyon ng mga otoridad upang lumabas ang katotohanan sa tunay na pangyayari sa naganap na trahedya.

Iginiit ng senador na mapanagot sa kanilang mga aksyon ang mga responsable sa nangyaring insidente.


Binigyang-diin ni Estrada ang pangangailangan na mabigyang linaw ang mga pangyayari, kung ito ba ay aksidente o hindi, upang sa gayon ay magkaroon ng tamang hakbang ang mga awtoridad.

Kahapon ay nabulabog ang lahat sa balitang tatlong mangingisda ang nasawi matapos na banggain ng isang Marshall Island-flagged crude oil tanker na “Pacific Anna” ang bangkang pangisda ng mga biktima.

Facebook Comments