Manila, Philippines – Itinakda na ng Korte Suprema ang oral arguments kaugnay sa petisyon na kumukwestiyon sa ilang probisyon ng Family Code na nagbabawal sa same-sex marriage.
Itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa June 19 dakong alas-dos ng hapon.
Ang petisyon ay inihain ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III laban sa Civil Registrar-General.
Intervenor sa kaso sina Atty. Fernando Perito, LGBTS Christian Church Incorporated at Reverend Cresencio Agbayani Jr.
Sa nasabing petisyon, hiniling ni Falcis na ideklarang unconstitutional ang Articles 1 at 2 ng Family Code o Executive Order No. 209 na nagsasaad na ang pagpapakasal ay limitado lamang sa pagitan ng isang lalaki at babae.
Ayon sa petitioner, labag ang nasabing mga probisyon sa karapatan ng mga homosexual na bumuo ng sariling pamilya.
Ang karapatang aniya na ito ay ginagarantiyahan ng Section 3 ng 1987 Constitution.