Patas na pagtrato sa kaso ng isang sundalo na sangkot sa gun running, tiniyak ng PNP

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na bibigyan ng patas na pagtrato si Sgt. Abdulbakie Abdulhalim Abdurajak.

Si Abdurajak ay naaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office 12 matapos mahuli sa entrapment operation sa Cotabato City dahil sa gun running.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., walang VIP treatment ang igagawad sa military personnel.


Sinabi pa nito na kapag naging banta na sa seguridad ang isang law enforcers, marapat lamang itong disiplinahin at papanagutin sa kanyang nagawa.

Nabatid na naka-assign ang naarestong sundalo sa 602nd brigade sa Cotabato City.

Nakumpiska mula dito ang 1) M4 Colt Carbine, 50 pirasong bala ng cal. 5.56, 69 na piraso ng bala para sa caliber 45, 300 pirasong bala ng cal. 9mm at buy-bust money na P200,000.

Facebook Comments