Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Palay Procurement Project sa Brgy. San Juan, Umingan, sa layuning matiyak ang patas at matatag na presyo ng palay para sa mga lokal na magsasaka.
Batay sa mandatong ibinigay sa National Food Authority (NFA), nakatuon ang proyekto sa direktang pagbili ng palay ng pamahalaan mula sa mga magsasaka upang maiwasan ang pagbagsak ng farmgate price tuwing anihan at makapag-ipon ng sapat na buffer stock para sa lalawigan.
Ayon sa NFA procurement guidelines, sasailalim ang palay sa moisture content testing at grading upang matiyak ang kalidad bago bilhin.
Dagdag pa rito, nanindigan ang tanggapan sa mahigpit na pagpapatupad ng panuntunan sa pagbili kasabay ng patuloy na hangaring suportahan ang lokal na sektor ng agrikultura.









