PATAS NA RENTA AT KONTRATA NG MGA MANLALAKO SA MANAOAG, SAKLAW NGPANUKALANG MARKET CODE

Tinututukan sa planong Market Code Ordinance ang isyu sa renta at kontrata ng mga manlalako sa Manaoag, Pangasinan matapos ang isang pagpupulong kasama ang mga stakeholders.

Sa ilalim ng panukala, itatakda ang makatarungan at abot-kayang bayad sa renta upang maiwasan ang reklamo ng ilang vendor hinggil sa hindi patas na singil.

Lilinawin din ang mga lease contract kung saan isa sa mga isinusulong na probisyon ang pagbabawal sa pagmamay-ari ng dalawa o higit pang pwesto ng iisang tao.

Bukod sa renta, kasama rin sa panukala ang paglalagay ng Timbangan ng Bayan, gayundin ang obligadong pagkuha ng business permits ng lahat ng negosyante.

Dagdag ng pamahalaan, bago tuluyang ipatupad ang ordinansa, magsasagawa ng hiwa-hiwalay na konsultasyon sa bawat seksyon ng palengke upang marinig ang panig ng mga vendor at maisaalang-alang ang kanilang mga mungkahi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments