PATAS | Pang-aagaw umano ng mga asawa ng mga miyembro ng NPA, nais paimbestigahan sa UN

Manila, Philippines – Nais ng Makabayan Bloc na imbestigahan ng United Nations High Commissioner for Human Rights ang paratang na panghihipo ng kababaihan at pang-aagaw ng asawa umano ng mga miyembro ng New People’s Army na nangyayari sa kanayunan.

Ito ang nakikitang paraan ni Gabriela Partylist representative Arlene Brosas para parehong mapakinggan ang magkabilang panig.

Ang UN aniya ay isang neutral na body na maaring kumuha ng inputs tungkol sa sinasabing pang-aabuso ng NPA.


Pero, para kay Brosas, ang mga isyu na pinalutang ng Pangulong Duterte ay mainam na nailalatag sa lamesa ng pakikipag-usap pangkapayapaan.

Sa ngayon aniya ay hirap sa pagkuha ng input kaugnay sa mga binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati.

Magugunita na idineklara ni Duterte na teroristang grupo ang NPA at ang pinakahuli ay ang pagtawag niya sa mga ito na ISI dahil sa pananambang sa tropa ng gobyerno na maghahatid sana ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Bagay na inalmahan ni Brosas sa pagsabing kumikilala naman ang NPA sa International Humanitarian Law, isang pamantayang pandaigdig hindi gaya ng ISIS na ang layunin lamang ay maghasik ng karahasan sa buong mundo.

Facebook Comments