PATAS | SSS, planong baguhin ang sistema ng hatian ng pagbabayad ng kontribusyon ng mga employer at employee

Manila, Philippines – Maliban sa pagtataas sa monthly contribution rate sa Abril, nais din ng Social Security System (SSS) na baguhin ang sistema sa hatian sa pagbabayad ng kontribusyon ng mga employer at employee.

Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, mula sa 11 porsiyento, itataas sa 14 porsiyento ang maximum monthly contribution rate, habang nais namang gawing 50-50 ang hatian ng mga empleyado at kanilang kompanya.

Sa kasalukuyang sistema ng hatian, 3.63 porsiyento ang galing sa mga kawani habang 7.37 porsiyento ang mula sa employer.


Una nang sinabi ng SSS na ginawa ang pagtataas sa kontribusyon dahil na rin sa pagtataas sa P1,000 sa monthly pension ng mga retiradong miyembro noong nakaraang taon at panibagong dagdag na P1,000 sa 2022.

Facebook Comments