PATATALSIKIN | OSG, naghain ng petition for Quo Warranto sa Korte Suprema para patalsikin si CJ Sereno

Manila, Philippines – Naghain sa Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida ng Quo Warranto petition laban kay on leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Calida, kabilang sa mga mabigat na grounds nila sa petisyon ang resulta ng psychiatric test kay Sereno.

Gayundin aniya ang kabiguan nitong magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth sa JBC O Judicial and Bar Council.


Ang naturang grounds ay ilan lamang sa ginamit na ebidensya ni Atty. Larry Gadon sa impeachment case na inihain nito laban kay Sereno sa House Justice Committee.

Samantala, sinamantala na rin ni Calida ang pag-courtesy call ngayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Facebook Comments