Manila, Philippines – Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na patatatagin pa ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ang tagumpay sa paglaban sa droga, terorismo at krimen.
Sa kanyang talumpati sa PNP Change of Command sa Camp Crame, ipinaliwang ng Pangulo ang dahilan ng pagpili niya kay Albayalde.
Kaya bilin nito sa bagong hepe ng PNP, ipagpatuloy ang giyera laban sa ilegal na droga ng pamahalaan.
Binigyang pugay rin ni Duterte si dating PNP Chief Ronald Dela Rosa na uupo naman bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BOC).
Muli ring nagbabala si Duterte laban sa mga pulis scalawags.
Facebook Comments