PATAY | 3 indibidwal, kumpirmadong nasawi dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Domeng – NDRRMC

Manila, Philippines – Tatlong indibidwal ang kumpirmadong namatay dahil sa epekto ng habagat na pinalakas ng Bagyong Domeng na nakalabas na Philippine Area of Responbility.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Edgar Posadas huling naitala ng kanilang ahensya ang dalawang katao na natabunan ng lupa kahapon sa ginagawang condominium sa Salud Mitra Baguio City.

Kinilala ang mga ito na sina Engr. Patrick Lachica, project engineer ng ipinapatayong condo at ang human relations officer na si Hannah Jean Aragon.


Habang una nang naitalang nasawi ang isang indibidwal na kinilalang si Algemon Dalisam Nuñez residente ng Brgy Corong Corong Elnido Palawan,

Nawala ito matapos na mahulog sa dagat mula sa sinasakyang jetski dahil sa lakas ng hangin.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng Operation center ng ndrrmc upang mamonitor ang mga lugar na patuloy ang pagbuhos ng ulan dulot ng habagat

Facebook Comments