PATAY | Apat kabilang ang isang pulis, sawi sa pananambang sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Patay ang apat katao kabilang ang isang pulis matapos tambangan sa Barangay Tampac 1, Guimba, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng Guimba PNP, galing sa sabungan ang mga biktima na sakay ng van nang tadtarin ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Tatlo sa mga biktima ang dead on the spot, habang isang pulis naman ang dineklarang dead on arrival sa ospital.


Patuloy naman ginagamot sa ospital ang apat pang lalaki na sakay din ng van kung saan dalawa dito ay mga pulis na naka-destino sa Pampanga.

Hindi naman muna nagbigay ng pahayag ang PNP habang tuloy ang imbestigasyon nila sa nangyari.

Facebook Comments