Negros Occidental – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang babae sa kanal sa isang hacienda sa Barangay Ayungon sa Negros Occidental.
Kinilala ang biktimang si Mylene Villamar, 26 anyos na pinaniniwalang pinukpok ng bato sa ulo dahil na rin sa malaking batong may dugo na nakita sa crime scene.
Narekober din ng pulisya sa lugar ang underwear at tsinelas ng biktima.
Isasailalim sa awtopsiya ang katawan ng babae para malaman kung hinalay ba ito bago pinatay.
Facebook Comments