PATAY | Dalawang pugot na bangkay, natagpuan sa Parang, Maguindanao

Maguindanao – Dalawang pugot na bangkay ng magsasaka ang natagpuan kaninang umaga sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Kinilala ng Autonomous Region in Muslim Mindanao Police Regional Office ang mga biktima na sina Ceasar Demaanda Fermin, 42-anyos at ang 21- anyos na si Jabon Bistas na pawang mga residente sa Barangay Gumagadong Calawag.

Pasado alas-9 ng gabi kahapon nang sabay na umalis ang dalawa para magtrabaho sa isang coconut farm.


Ayon sa kaanak ng mga biktima, ito na ang huling pagkakataon na nakitang buhay ang dalawa.

Hanggang ngayon ay blangko pa rin ang mga otoridad kung ano ang motibo at kung sino ang mga nasa likod ng krimen.

Hindi pa rin nakikita ang nawawalang ulo ng mga biktima.

Facebook Comments