PATAY | Dating piskal sa Ozamiz City, pinagbabaril

Ozamiz – Patay ang dating piskal ng Ozamiz City makaraang pagbabarilin sa Brgy 50th District Ozamiz City Misamis Occidental kaninang umaga.

Ang nasawing piskal ay kinilalang si Atty Geronimo Marabe Jr.

Batay sa ulat ni PNP region 10 spokesperson supt Lemuel Gonda alas-10:30 ng umaga kanina nang pagbabarilin ang biktima ng apat na mga kalalakihan habang sakay nang kanyang sasakyan.


Isinugod pa ito sa ospital pero idineklarang dead in arrival.

Sa ulat pa ng PNP ang nasawing piskal ay kakilala ng pamilya Parojinog sa Ozamiz City.

Facebook Comments