PATAY | Hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Bataan

Bataan – Dalawang hinihinalang biktima ng salvage o summary execution ang natagpuan sa Barangay Mabatang, Abucay, Bataan.

Ayon sa Abucay-PNP, tumawag sa kanila ang caretaker ng Leonora Subdivision kaninang alas-8:45 ng umaga para sabihing may nakita itong dalawang bangkay sa loob ng kanilang lugar.

Ang mga biktima ay isang lalaki at isang babae na parehong may tama ng bala sa katawan.


Patuloy namang iniimbestigahan ng scene of the crime operatives ang dalawang natagpuang bangkay.

Inaalam pa rin ang posibleng motibo sa krimen.

Facebook Comments