PATAY | Isa sawi, isa kritikal sa away sa Bacoor City, Cavite

Cavite – Patay ang isang katao at kritikal ang isa pa matapos magsuntukan na nauwi sa saksakan sa Bacoor City, Cavite.

Nakilala ang nasawi na sina Limuel Ortinez habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang naka-away nito na si Arwin Naybe.

Sa ulat, nang-iinom ang dalawa kasama ang iba pang ka-trabaho sa loob ng Molino plastic services nang mauwi sa alitan ang dalawa.


Dahil dito, nagsuntukan sila hanggang sa magsaksakan kung saan nang dalhin sa ospital ay idineklarang patay si Ortinez.

Facebook Comments