PATAY | Isang guwardiya, sawi matapos pagbabarilin habang nasa kanilang outpost sa Caloocan City

Caloocan City – patay ang isang guwardiya habang sugatan naman ang kapwa nito sekyu matapos pagbabarilin habang nasa kanilang outpost sa Leo Street, Pangarpa Village, Barangay. 181, Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Renato Rosalejos habang ginagamot sa ospital ang kasama nitong si Aser Escalante.

Sa imbestigasyon, isang lalaking nakasuot ng sumbrero, naka-itim na jacket at naka-shorts ang siyang bumaril sa mga biktima at naglakad lang ito matapos ang krimen.


Isa sa tinitignang motibo ang alitan sa lupa dahil may problema ang nasabing property na binabantayan ng mga biktima.

Facebook Comments