Manila, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang lola matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa A. Mendoza, Sta. Cruz Manila.
Nakilala ang biktima na si Josephine Galang, 66 anyos residente ng Nadurata Street Barangay 20 Caloocan City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Homicide Section ng MPD habang naglalakad ang biktima sa A. Mendoza Street Sta. Cruz Manila biglang sumulpot sa kanyang harapan ang hindi kilalang suspek at walang kaabog abog na pinagbabaril ang biktima bago tumakas.
Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Center ang biktima pero ideneklarang dead on arrival sa naturang pagamutan.
Inaalam na ng pulisya kung mayroon CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen upang matukoy ang suspek sa pamamaril sa isang lola.