PATAY | Isang miyembro ng gun for hire group, sawi matapos makipagbarilan sa Zamboanga del Norte

Zamboanga del Norte – Patay ang isang lalaki na miyembro ng gun for hire group sa nangyaring shootout sa Barangay Sipaloc, Sibutad, Zamboanga del Norte.

Nakilala ang nasawi na si Jerry Delmonte Palma, 45-anyos at residente ng Barangay New Lebangon, Polanco ng nasabing lalawigan.

Sa ulat, rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente sa presensya ng suspek.


Nang matiyempuhan siya ng pulisya habang papalapit sa checkpoint sakay ng kanyang motorsiklo, dito na siya nag paputok ng dalawang beses kaya gumanti ang mga otoridad na nag resulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Facebook Comments