Negros Occidental – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang natalong barangay kagawad ng mga New People’s Army (NPA) sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Labing isang tama ng bala ang natamo ng biktimang si Rodolfo Ambong makaraang pagbabarilin habang sakay siya ng motorsiklo sa Barangay Tan-Awan.
Narekober ng pulis sa pinangyarihan ng krimen ang nasa 15 basyo ng 9mm at cal .45 na mga baril.
Napag-alaman na si Ambong ay kinasuhan ng murder ngunit ibinasura rin ang kaso matapos hindi tumestigo ang nag-iisang saksi sa krimen laban sa kanya kaya at posibleng ito ang naging dahilan kaya siya pinatay ng mga rebelde.
Facebook Comments