PATAY | Kilabot na miyembro ng gun-for-hire, sawi sa isinagawang operasyon sa Zamboanga del Sur

200

Zamboanga del Sur – Patay ang isang kilabot na miyembro ng gun-for-hire sa isinagawang operasyon sa Barangay Campo Dos, Aurora Municipality, Zamboanga del Sur.

Ayon sa Police Regional Office (PRO)-9, napag-alaman na ang nasawing suspek ay isang gun-for-hire personality na nasa ilalim ni dating Mayor Stephen Acosta.

Sa ulat, pinaputukan ng suspek na si Ronel Bation ang pulisya habang papatakas papunta sa bulubunduking bahagi ng lugar kung saan dito na ito napatay.

Narekober ng mga otoridad mula sa suspek ang isang caliber .45 pistol, mga bala at isang granada na nakatago sa u-box ng kanyang motorsiklo.

Facebook Comments