Batangas City – Patay matapos magbigti ang 56 anyos na Korean national sa tinutuluyan niyang unit sa Barangay Pallocan East, Batangas City.
Nagta-trabahong construction general manager ang biktimang si Hyung Dong Kim.
Ayon sa driver nito na si Rommel Lontoc, laking gulat niya nang makitang nakabigti ang dayuhan sa unit nito sa 5th floor ng Maptan Building.
Iniimbestigahan na ng mga tauhan ng SOCO ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay ni Kim o kung may foul play sa insidente.
Facebook Comments